Ang pangingisda at paggugubat ay kabilang sa mga sektor ng agrikultura na magpapaunlad ng isang bansa. Ang pangingisda at paggugubat ay maraming naitutulong para sa pag-unlad ng Pilipinas kaya dapat nating pahalagahan at ingatan ang mga ito. Isa sa mga paraan para maisakatuparan ito ay ang pagpapatupad ng mga kilos o aksyon at mga adbokasiya para sa pag-unlad ng ating bansa.

Karagatan ay Tulungan


Noong unang panahon pa lang ay pangingisda na ang isa sa mga kabuhayan ng mga tao. Ito ang pinagkukunan nila ng mga pagkain at pamumuhay noon at ngayon. Sa Pilipinas, ang pangingisda ang isa mga pangunahing ikinabubuhay ng mga tao dahil sa laki ng lawak ng pangisdaan ng Pilipinas. Halos lahat ng protina ng mga tao ay nakukuha sa mga isda at iba pang pagkaing-dagat. Ito ang pinagkukunan ng suplay ng pagkain, trabaho, at hilaw na materyal sa paggawa ng delatang mga pagkain tulad ng sardinas, tinapa, at iba pa. Subalit ang tanong, paano ba ito mapapanatili? Maraming problema ang mga mangingisda at ang mamamayan ngayon ukol sa pangingisda. Pero sa hindi nila alam, tayo rin lang naman ang gumagawa nito. Una ay ang polusyon, maraming karagatan ngayon ay tinatapunan na ng mga kemikal at mga basura na maaaring magsanhi ng pagkaubos ng mga isda sa karagatan. Pangalawa, ang paghuhuli ng mga isda sa pamamagitan ng pagdidinameta (dynamite fishing) ay isa rin sa mga problema ngayon sa karagatan. Ito ay sanhi ng pagkasira ng mga coral reefs na tinitirhan ng mga isda sa ilalim ng dagat. Kapag ito ay nasira, magreresulta ito ng pagliit ng produksyon ng mga isda sa dagat. Pangatlo, ang paggamit ng lambat na may maliit na butas. Ang paggamit ng mga ito ay isa rin sa mga dahilan ng pagkaubos ng mga isda sa karagatan. Maaaring madala pati ang mga maliliit na mga isda sa paggamit ng mga ito sa pangingisda. Ang mga yamang dagat ay hindi na mapapalitan kapag ang mga ito ay mawawala. Kaya dapat natin itong alagaan at pahalagahan ng mabuti.

Nandito ang mga kilos at aksyon para ito ay mapanatili:
  • Paglilinis palagi ng ating yamang tubig dagat - Ang paglilinis ng dagat ay nakakatulong sa paglaki ng maayos ng mga isda. Ang mga tinapon na mga basura ng mga tao ay nagdudulot ng masamang epekto para sa dagat at para sa mga isda, kaya dapat nating limitahan at ipalagi ang paglinis ng ating dagat. Kapag napanatili ito, mas marami ang makukuha at mahuhuling mga isda ang mga tao.
  • Pagbabawal na paghuli ng maliliit na mga isda at paggamit ng lambat na may maliliit na butas - Ang paggamit ng lambat na may maliliit na butas ay resulta ng pagkaubos ng mga isda dahil nadadala rin ang maliliit na isda na maaaring pang lumaki at dumami. Kapag ito ay napanatili, mas maraming isda ang lumalaki sa karagatan at marami ring mga isda ang mahuhuli sa kasalukuyan.
  • Mahigpit na pagbabawal sa paggamit ng dinameta - Ang paggamit ng dinameta ay masama sa karagatan marahil ito ay nakakasira ng mga coral reefs na tinitirhan ng mga isda. At ang mga isda na nabobombahan ay pwede ring makasira sa kalusugan ng mga tao. Ang maaaring pwedeng aksyon dito ay pinagbabayad ang lahat ng lumabag sa mga ito.
  • Pagkakaisa - Sa huli, kailangan pa din ang pagkakaisa at ang determinasyon ng mga tao na tumulong at makilahok para sa mga bagay na makakapagpaunlad ng sektor ng pangingisda at para sa ating bansa.

Kagubatan ay Ingatan

Ang paggugubat ay isa sa mga ang pangunahing pamumuhay ng mga tao sa Pilipinas, higit sa lahat ay ang pagtotroso. Ito rin ang pinagkukunan sa
paggawa ng mga bahay at muwebles. Bukod dito, pinagkukunan din ito ng mga nipa, rattan, anahaw, kawayan, papel, herbal na mga gamot at iba pang mga tanim o kahoy na pinagkikitaan. Ito rin ang nagsisilbing tirahan ng mga hayop. Ang kagubatan din ay isa sa proteksyon at tumitigil sa mga kalamidad tulad ng bagyo, inisipsip nito ang mga tubig na dala ng bagyo kaya't naiiwasan ang mga baha. Pero sa lahat ng mga magagandang naidulot ng kagubatan sa atin meron paring mga suliranin na hinaharap ngayon ng mga tao. Ang mabilis na pagkaubos ng ating kagubatan ay isang malaking suliranin. Nakakalbo ang ating mga kagubatan dahil sa illegal at walang pagpigil na pagputol ng mga puno, pagputol ng mga batang puno, at ang pagkakaingin. Ang mabilis na pagkaubos at pagkasira ng kagubatan ay dapat bigyang pansin din ng ating pamahalaan at ng mamamayan. Dahil dito, unti-unti na nating nararamdam ang mga epekto nito. Bunsod nito ay ang mga bagyo at flashflood na naganap sa ibat' ibang lalawigan na bunga ng pagkawala ng maraming buhay at ang malawak na pagkasira ng mga ari-arian. Pagkaubos ng mga hayop at ang pagkainit ng kapaligiran. Malaking epekto ang pagkakalbo ng kagubatan. Tayo ang naggawa ng sanhi, tayo rin ang makakatanggap ng mga epekto. Subalit, maaari padin nating maiwasan ang lahat ng mga ito. 

Nandito ang mga kilos at aksyon para ito ay maiwasan:

  • Pagtatanim pagkatapos putulin - Kung mamumutol ang mga tao ng mga puno at halaman sa kagubatan ay dapat itong palitan. Dapat tayong magtanim muli upang hindi makalbo ang ating kagubatan.
  • Iwasan ang pagtatapon ng mga basura sa kagubatan - Dahil sa mga basura, pwedeng matapunan ng mga basura ang mga puno na bunga ng paghina ng pagsipsip ng tubig. Ito ay isang sanhi ng pagbaha. Kaya dapat nating iwasang o limitahan ang pagtapon ng mga basura, higit na ang pagtapon ng mga plastik sa kagubatan.
  • Pagsasaayos ng kapaligirang kagubatan - Ang pagpapanatiling pag-ayos ng ating kapaligiran ay isa sa malaking aksyon. Ang paglilinis ng kagubatan ay isang malaking hakbang para maiwasan ang mga kalamidad, mapanatili ang produsyon ng mga kahoy at iba pang yamang likas, at para mapaunlad ang ating bansa.
  • Pagkakaisa - Ang pagkakaisa talaga ang pangunahing hakbang para sa kaunlaran ng ating kagubatan at ng ating bansa. Dapat talagang makilahok ang mga tao para sa ikabubuti para sa kagubatan. 






Credits: Google
Photos retrieved from https://www.pinterest.ph/pin/188729040603977534/
                      https://www.pinterest.ph/pin/198017714844018677/





Comments